Gene Bautista
BERNADETTE ‘JUDY’ GARCIA
Aking nakilala ang mga Garcia,
Sa ME23 sila’y nakasama,
Ang aming turingan, tunay na pamilya,
Na sa isang buwan ay bente anyos na.
Kami’y nagkikita linggo-linggo noon,
Gayun din sa aming buwanang reunion,
Sa pananalangin, kasama ang lupon,
Sa lahat ng bagay, nagtutulong-tulong.
Sa aming pag-uwi mula sa simbahan,
Saki’y pinakita ng aking maybahay,
Sang message na mula, kapatid na JR,
Doo’y nagsasaad, si Judy, pumanaw.
Laking pagkabigla ang aming nadama,
Muling nagsibalik sa’king ala-aia,
Ang ME23 sila’y binisita,
Ang salubong sa amin, pagkaing sagana.
Mga alimasag, tanyag ang Maryland,
Sariwang mga mais, matamis na pakwan,
Itong mag-asawa di masusubukan,
Kung sa kabaitan ang paguusapan.
Kami ay naroon ng dalawang araw,
Aking nasaksiyan, sa aming pagdalaw,
Kabutihang loob maging kapit-bahay,
Matulungin sila sa’min ang salaysay.
Katatapos lamang noong Valentine’s Day,
Ipinagdiwang nila ang 53rd wedding,
Butihing maybahay, Ina at Lola rin,
Sa’ming kaibigan, kapatid ang turing.
Sa pagtatapos ko, ang aking dalangin,
Sa Poong Maykapal, si Judy, tanggapin,
Kasama ni Ating na kanyang kapatid,
Kami’y subaybayan at ipanalangin.
From:
Gene & Vangie Bautista
(BLD ME 23)
15 Schirra Drive,
Wanaque, NJ 07465